Ika-11 Silk Road International Film Festival, binuksan

2024-09-22 16:48:06  CMG
Share with:

 

Binuksan kagabi, Setyembre 21, 2024, sa Xi’an, punong lunsod ng lalawigang Shaanxi sa hilagang kanlurang Tsina, ang Ika-11 Silk Road International Film Festival.

 

Sa pagtataguyod ng China Media Group, pamahalaan ng lalawigang Shaanxi, at pamahalaan ng lalawigang Fujian, tumatagal ng limang araw ang kasalukuyang pestibal.


 

Gaganapin ang paligsahan ng Golden Silk Road Award, at idaraos din ang mga porum, seminar ng mga maestro, aktibidad ng pagpapalitan tungkol sa mga pelikula, at iba pa.

 

Sa panahon ng pestibal, sa mga lokal na sinehan at mga online platform, panonoorin din ng mga tao ang halos 300 pelikula mula sa loob at labas ng Tsina.


Editor: Liu Kai