Ayon sa kasunduang narating Setyembre 27, 2024, ng pamahalaan ng Iraq at Amerika, matatapos ang internasyonal na misyon ng pagbibigay-dagok sa Islamic State, na pinamumunuan ng Amerika, bago katapusan ng Setyembre, 2025.
Itatakda ng isang mataas na komisyong militar na kabibilangan ng mga opisyal ng dalawang bansa ang mga kongretong hakbang upang maigarantiya ang kaligtasan ng mga kinauukulang tauhan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio