Kuwento ni Gayeta: Komong pag-unlad ng empleyadong Pilipino at kompanyang Tsino

2024-10-01 15:40:25  CMG
Share with:

Jastella Gayeta, nakasuot ng uniporma ng CHEC

 

Ang babae sa kuhang-larawang ito ay isang Pilipina na si Jastella Gayeta, at siya ay lokal na empleyado sa proyekto ng ekspansyon ng Manila South Harbour, na pinatatakbo ng China Harbour Engineering Company Ltd. (CHEC).

 

Pagkatapos ng pag-aaral ng pag-iinhinyerong sibil sa Pamantasan ng Mapua, nagtrabaho si Gayeta sa isang lokal na kompanyang pangkonstruksyon na nangangasiwa ng Pier 3 ng Manila South Harbour.

 

Noong Marso 2024, nag-aplay siya ng trabaho sa proyekto ng ekspansyon ng CHEC, at tinanggap sa departamento ng teknikal na pangangasiwa.

 

Bagama’t ito ay kanyang unang trabaho sa isang proyekto ng kooperasyong pandaigdig, mabilis na nababagay si Gayeta sa kultura ng kompanya, maganda ang kanyang pakikipagpalitan sa mga dayuhang katrabaho, at aktibo rin siyang nag-aaral ng mga kaalaman tungkol sa Tsina na gaya ng inisyatibang Belt and Road.

 

Dahil ang medyor niya sa pamantasan ay pag-iinhinyerong sibil, hindi sanay si Gayeta sa konstruksyong elektrikal, at nahiarapan siya sa paggawa ng mga plano tungkol dito. Pagkaraang malaman ang kanyang kahirapan, maraming katrabahong Tsino ang nagturo kay Gayeta, at sa kasalukuyan, siya ay naging dalubhasa sa paggawa ng plano ng konstruksyong elektrikal.

 

“Malaki ang tulong ng mga kasamahang Tsino sa akin. Malinaw ang kanilang isipan, matalas ang lohika, at mabilis at unti-unti ang kanilang pagtuturo sa akin. Sa tulong nila, napalakas ang aking kakayahang propesyonal.” Ganito ang pagpapahayag ni Gayeta ng pasasalamat.

 

Jastella Gayeta, nasa opisina


Sa pamamagitan ng paghubog ng CHEC, mahusay na naisasabalikat nang sarili ngayon ni Gayeta ang mga trabaho.

 

Ayon kay Shen Jie, tagapangasiwa ng yamang tao, mayroon ding maraming lokal na empleyado na tulad ni Gayeta sa proyekto, at ang bilang ng mga empleyadong Pilipino ay lampas na sa bilang ng mga empleyadong Tsino.

 

Aniya, sa pamamagitan ng kanilang bentahe sa wika at pagkaalam sa mga lokal na patakaran at sistema, ibinigay ng mga lokal na empleyado ang napakalaking ambag para sa proyekto. Nasasamantala naman nila ang mga pagkakataong dulot ng trabahong ito para maturuan ang mga sulong na ideya ng pangangasiwa at teknika ng Tsina at maisakatuparan ang sariling pag-unlad, dagdag ni Shen.