Ipininid kahapon, Setyembre 30, 2024, ang Pangkalahatang Debatehan ng Ika-79 na Sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA).
Sa kanyang panapos na talumpati, sinabi ni Presidente Philemon Yang ng UNGA, na nakikita ng mundo ang lubhang dramatikong paglala ng karahasan sa pagitan ng Israel at Hezbollah sa Lebanon nitong nakalipas na ilang araw, at mayroon itong posibilidad na humantong sa digmaan sa buong rehiyon ng Gitnang Silangan.
Nanawagan siya sa Israel, Hamas, at Hezbollah, na agarang abutin ang tigil-putukan. Hinimok din niya ang lahat ng mga panig na may impluwensiya na humiling ng tigil-putukan at diyalogo, at ang lahat ng mga bansang nagkakaloob ng mga sandata sa rehiyong ito na itigil ang aksyong ito para bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan.
Binigyang-diin din ni Yang, na dapat isagawa ang talastasan at diplomatikong paraan sa halip na karahasan, at ang Karta ng United Nations ay nagtuturo sa mga kasaping bansa na mapayapang lutasin ang mga hidwaan, para hindi ilagay sa panganib ang pandaigdigang kapayapaan at katiwasayan.
Editor: Liu Kai