Espesyal na sugo ng Pangulong Tsino, dumalo sa presidential inauguration ceremony ng Mexico

2024-10-03 09:58:42  CMG
Share with:

Sa paanyaya ng pamahalaan ng Mexico, dumalo Oktubre 1, 2024 si Tie Ning, espesyal na sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa presidential inauguration ceremony ng Mexico sa Mexico City.


Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Claudia Sheinbaum Pardo ng Mexico, ipinahayag ni Tie na nitong ilang taong nakalipas, napapanatili ng komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Mexico sa mataas na lebel.


Nakahanda aniya ang Tsina magsikap kasama ng Mexico upang mapalakas ang pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran tungo sa pagsasakatuparan ng modernisasyon.


Salin: Lito