Mga bansang Kanluraning gaya ng Amerika, pinag-ugatan ng mga problemang panrehiyon — Pinakamataas na lider ng Iran

2024-10-03 09:57:34  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo kamakailan sa mga talentong pansiyensiya’t panteknolohiya ng Iran, ipinahayag ni Ayatollah Ali Khamenei, pinakamataas na lider ng Iran, na ang ugat ng mga sagupaan, poot, pagkabalisa, at iba pang mga problemang panrehiyon ay dahil sa pag-iral ng mga bansang Kanluraning kinabibilangan ng Amerika.


Sinabi niya na pasalitang ipinanawagan ng naturang mga bansa ang kapayapaan, ngunit sa katotohanan sila ang mga gumagawa ng gulo.


Kung aalis ang mga bansang ito sa rehiyon, bibigyang-wakas ang giyera at sagupaan, at makikipamuhayan ng mapayapa ang mga bansa sa rehiyon, diin pa niya.


Salin: Lito