Ayon sa ulat, inaprobahan ng ika-9 na taunang pulong ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na ipininid kamakailan sa Uzbekistan, ang aplikasyon ng Nauru na sumapi sa AIIB.
Hanggang sa ngayon, tumaas sa 110 ang kabuuang bilang ng mga miyembro ng AIIB.
Nitong halos 9 na taong nakalipas sapul nang maisaoperasyon ang AIIB, lumalaki nang lumalaki ang “circle of friends” ng AIIB, at dumarami nang dumarami ang mga katuwang nito.
Gaganapin Hunyo, 2025 sa Beijing ang ika-10 taunang pulong ng AIIB.
Salin: Lito