Ika-3 Pulong ng mga Lider ng ACD, dinaluhan ng delegasyong Tsino

2024-10-04 10:18:15  CMG
Share with:

Doha, Qatar Idinaos Oktubre 3, 2024 ang Ika-3 Pulong ng mga Lider ng Asia Cooperation Dialogue (ACD) na may temang “Diplomasyang Pampalakasan.”


Dumalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa 33 kasaping bansa ng ACD na kinabibilangan ng Iran at Thailand.


Ipinahayag sa pulong ni Zhu Yongxin, puno ng delegasyong Tsino, na malalimang nagbabago ang kasalukuyang situwasyong panrehiyon at pandaigdig, kaya kailangang ibayo pang palalimin ng iba’t-ibang bansa ang pagtitiwalaang pulitikal, palakasin ang development kinetic energy, pasulungin ang pagpapalitan upang kapit-bisig na maitatag ang mapayapa, masagana, maganda at mapagkaibigang lupang-tinubuan sa Asya at maitatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Asya.


Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng iba’t-ibang bansa para mapatingkad ang papel ng diplomasyong pampalakasan, mapalakas ang pagkakaisa at pagtutulungan, magkakasamang mapasulong ang proseso ng modernisasyong Asyano, at kapit-bisig na makalikha ng mas magandang kinabukasan ng Asya, aniya pa.


Salin: Lito