Paglutas ng iba’t-ibang panig ng alitan sa pamamagitan ng diyalogo, inaasahan ng panig Tsino

2024-10-04 10:16:33  CMG
Share with:

Sa pagsusuri ng United Nations Security Council (UNSC) sa isyu ng Somalia, ipinahayag Oktubre 3, 2024 ni Dai Bing, Pangalawang Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na inaasahan ng panig Tsino na mapapalakas ng iba’t-ibang panig ng Somalia ang diyalogo at pagkakaisa at igigiit ang paglutas sa kanilang alitan sa pamamagitan ng diyalogo.


Sinabi ni Dai na nitong ilang taong nakalipas, natamo ng rekonstruksyon at kapayapaan at kaligtasan ng Somalia ang mahalagang progreso, at kapuwang nakapasok sa masusing transisyonal na panahon ang espesyal na grupo ng UN at Unyong Aprikano (AU).


Sa mahalagang yugtong ito, hindi dapat pahinain ang suporta at tulong ng komunidad ng daigdig, aniya.


Ani Dai, palagiang sinusuportahan ng panig Tsino ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan ng Somalia upang mapangalagaan ang unipikasyon, soberanya, at kabuuan ng teritoryo ng bansa.


Dapat aniyang katigan ng komunidad ng daigdig ang Somalia sa paghahanap ng landas ng pag-unlad na angkop sa sarili nitong kalagayang pang-estado.


Sinabi ni Dai na kinakatigan ng Tsina ang proseso ng kapayapaan at kaunlaran ng Somalia, at patuloy na ipagkakaloob ang suporta at tulong sa bansang ito.


Kasama ng komunidad ng daigdig, nakahandang magsikap ang Tsina upang patuloy na makapag-ambag sa pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan at sustenableng pag-unlad ng Somalia, diin pa niya.


Salin: Lito