Cairo, Ehipto — Idinaos Oktubre 3, 2024 (lokal na oras) ng Liga ng mga Bansang Arabe (LAS) ang pangkagipitang pulong upang talakayin ang tungkol sa situwasyon sa Lebanon at iba pang isyu.
Ipinahayag sa pulong ni Pangalawang Pangkalahatang Kalihim Hossam Zaki ng LAS, na sa kasalukuyan, dahil walang patid na ini-u-upgrade ng Israel ang salungatan, tumataas nang tumataas ang panganib ng pagsiklab ng digmaang panrehiyon sa Gitnang Silangan.
Sa sandaling sumiklab ang digmaan, walang panig ang makakaalis dito, aniya.
Binabala ni Zaki na ang mga atake ng tropang Israeli sa Lebanon at mga mamamayang Lebanese ay hindi magdadala ng seguridad sa alinmang panig, ngunit magpapalawak lamang ng sagupaan at magdaragdag ng poot.
Ang mga nagawa ng tropang Israeli ay lumalabag sa pandaigdigang batas at naging krimen, diin pa niya.
Ipinahayag din sa pulong ng kinatawang Lebanese sa LAS na halos 2000 katao ang napatay at mahigit 10 libo iba pa ang nasugatan sa mga atake ng tropang Israeli sa Lebanon.
Salin: Lito