Unang talumpati sa patakaran, inilabas ng bagong PM ng Hapon

2024-10-05 09:32:32  CMG
Share with:

Sa kanyang unang talumpati sa polisya sa parliamento, inilahad ni bagong Punong Ministro Shigeru Ishiba ng Hapon ang paninindigan niya sa mga aspektong gaya ng suliraning panloob, diplomasya, kabuhayan, at pamumuhay ng mga mamamayan.


Sinabi niya na magsisikap upang makuha ang pagkilala ng mga mamamayan, maitayo ang maligtas at masaganang Hapon, at maisakatuparan ang hangaring “nagsisilbi ang pulitika sa mga mamamayang Hapones sa halip ng mga politiko.”


Tungkol sa relasyong Hapones-Sino at polisya sa Tsina, ipinahayag niya na patuloy na isusulong ang estratehikong relasyong may mutuwal na kapakinabangan, isusulong ang pagkokoordinahan ng iba’t-ibang antas ng kapuwa bansa, itatatag kasama ng Tsina ang konstruktibo at matatag na relasyong Hapones-Sino sa pamamagitan ng diyalogo at kooperasyon, at isusulong ang kooperasyon ng Hapon, Tsina, at Timog Korea.


Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin