Pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng “Global Digital Compact,” kinakatigan ng panig Tsino

2024-10-05 09:27:56  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Ika-3 Komisyon ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), ipinahayag Oktubre 3, 2024 ni Dai Bing, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na dapat dagdagan ang paglilipat ng teknolohiya at suporta sa konstruksyon ng kapasidad sa “Global South” upang alisin ang lumalaki nang lumalaking digital divide, maiwasan ang sinuman at anumang bansa na mahuhuli sa umuusbong na rebolusyong panteknolohiya, at maisakatuparan ang unibersal na kapakanan at inklusibong patakarang panlipunan.


Kinakatigan aniya ng panig Tsino ang pagpapabilis ng pagpapatupad ng “Global Digital Compact” na pinagtibay sa Summit ng Kinabukasan ng UN.


Sinabi ni Dai na ang pagsasakatuparan ng panlipunang pag-unlad ay nangangailangan hindi lang sariling pagpupunyagi ng mga kaukulang bansa, kundi malakas na partnership.


Dapat aniyang totohanang tuparin ng mga maunlad na bansa ang kanilang mga pangako sa pagbibigay-tulong, at pabilisin ng mga pandaigdigang organong pinansiyal ang reporma sa pangangasiwa upang ipagkaloob ang mas maraming suportang pinansiyal sa panlipunang pag-unlad ng mga bansa ng “Global South.”


Dapat matinding tutulan ang pagmamalabis ng unilateral na sangsyon upang mapangalagaan ang karapatan ng pag-unlad ng malawak na masa ng mga uumuunlad na bansa, diin pa niya.


Salin: Lito