36 patay, 150 sugatan sa atakeng panghimpapawid ng Israel sa Lebanon

2024-10-09 16:37:28  CMG
Share with:

Inihayag, Oktubre 8, 2024 ng Ministri ng Kalusugan ng Lebanon, na 36 ang patay, samantalang 150 iba ang sugatan sa atakeng panghimpapawid na isinagawa ng Israel sa Beirut nitong nakalipas na 24 oras.

 

Mula nang simulan ng Israel ang mga pag-atake, lampas na sa 2,100 ang namatay, habang higit 10,000 indibidwal naman ang nasugatan, dagdag ng ministri.