Wang Yi, hinimok ang Pransya na pasulungin ang positibong relasyong ekonomiko ng Tsina at EU

2024-10-11 16:37:51  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono, Oktubre 10, 2024, kay Emmanuel Bonne, Diplomatikong Tagapayo ng Pangulo ng Pransya, ipinahayag ni Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Sentral na Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang pag-asang ituturing ng Pransya ang relasyong pangkabuhayan’t pangkalakalan ng Tsina at Unyong Europeo (EU) sa positibo at bukas na atityud.

 

Inenkorahe niya ang EU, na humakbang tungo sa parehong landas, kasama ng Tsina, at gumanap ng konstruktibong papel sa konsultasyon at negosyasyon sa pagitan ng dalawang panig.

 

Naniniwala siyang may pulitikal na karunungan ang dalawang panig upang maayos na hawakan ang pagkakaiba.

 

Binigyan-diin niya ang kahalagahan ng paggalang sa isa’t-isa, win-win na kooperasyon, at pangangailangan sa pagpapanatili ng bukas na komunikasyon, diyalogo at koordinasyon para mapanatili ang pag-unlad ng bilateral na relasyon.

 

Samantala, sinabi ni Bonne, na iginigiit ng Europa ang estratehikong pagsasrili, na naglalayong itatag ang pantay na kapaligiran ng negosyo.

 

Wala aniyang intensyon ang Europa na ibukod ang mga kompanya’t produkto ng Tsina mula sa merkadong Europeo.

 

Umaasa si Bonne na mahahanap ang maayos na kalutasan sa pamamagitan ng konsultasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio