Puwersa ng Hilagang Korea, pinaghahanda para sa bakbakan

2024-10-15 17:01:37  CMG
Share with:

Sa gitna ng tumataas na tensyon sa Korean Peninsula, kasunod ng akusasyon ng Hilagang Korea, na nagpadala ng drone ang Timog Korea sa teritoryal na himpapawid nito, inihayag, ngayong araw, Oktubre 14, 2024 ng Korean Central News Agency (KCNA) ng Hilagang Korea, na ibinaba na ang utos sa mga puwersang militar ng bansa, na maghanda para sa madugong labanan.