Beijing — Sa kanyang pakikipag-usap Oktubre 18, 2024 kay David Lammy, dumadalaw na Kalihim ng Ugnayang Panlabas at Pag-unlad ng Britanya, sinabi ni Wang Yi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng bansa, na sa pag-uusap sa telepono ng mga lider ng kapuwa bansa noong nagdaang Agosto, narating nila ang mahalagang komong palagay tungkol sa pagpapalakas ng pag-uugnayan at pagpapalalim ng kooperasyon.
Ani Wang, sinang-ayunan ng panig Tsino na komprehensibong panumbalikin ang mekanismo ng diyalogo at kooperasyon ng kapwa bansa sa iba’t-ibang larangan, at aktibong isagawa ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga larangang gaya ng kalakalan, pinansya, at berdeng pag-unlad.
Sinabi naman ni Lammy na nagpupunyagi ang kanyang pamahalaan upang mapalakas ang diyalogo at pakikipagkooperasyon sa Tsina at mabisang kontrulin ang pagkakaiba.
Bukod pa riyan, nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga maiinit na isyung panrehiyon at pandaigdig na kinabibilangan ng krisis ng Ukraine, bakbakan ng Palestina at Israel, at situwasyon ng Myanmar.
Salin: Lito
Pulido: Ramil