Presidente ng Eurasia Group, kinatagpo ng Ministrong Panlabas ng Tsina

2024-10-19 11:16:27  CMG
Share with:

Beijing Sa kanyang pakikipagtagpo kay Ian Bremmer, Presidente ng Eurasia Group, sinabi ni Wang Yi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng bansa, na bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig at pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC), dapat isabalikat ng Tsina at Amerika ang responsibilidad at patingkarin ang papel bilang malalaking bansa upang magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig, at maisakatuparan ang panalu-nalong resulta.


Ito aniya ay angkop sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at komong mithiin ng iba’t-ibang bansa sa daigdig.


Kahaharapin aniya ng Tsina ang lahat ng kawalang-katiyakan sa kasalukuyang daigdig sa pamamagitan ng sariling katiyakan upang makapag-ambag sa pangkalahatang progreso at kaunlaran ng buong sangkatauhan.


Umaasa ang panig Tsino na kapit-bisig na ipapatupad ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng Tsina at Amerika upang patuloy at aktibong hanapin ang tumpak na landas ng pakikipamuhayan ng dalawang malaking bansa sa daigdig, dagdag pa niya.


Ipinahayag naman ni Bremmer na ang relasyong Amerikano-Sino ay pinakamahalagang bilateral na relasyon sa kasalukuyang daigdig.


Umaasa aniya ang Eurasia Group na kapit-bisig na magsisikap ang kapuwa bansa upang mapangalagaan ang matatag na kaayusang pandaigdig.


Salin: Lito

Pulido: Ramil