Sa kanyang talumpati sa pulong ng Ika-79 na Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), ipinagdiinan ni Geng Shuang, Pirmihang Pangalawang Kinatawan ng Tsina sa UN, na hindi pribilehiyo ng iilang bansa ang pandaigdigang lehislasyon.
Sinabi niya na pilit na isinusulong ng ilang bansa ang pandaigdigang lehislasyon kapag walang komong palagay o kahit na malinaw ang mga pagkakaiba.
Ito ay magbubunsod lamang ng pagkakahiwalay-hiwalay at hindi angkop sa pangkalahatang kapakanan ng komunidad ng daigdig, diin pa ni Geng.
Salin: Lito
Pulido: Ramil