Trailer: Ang Kadilimang Sumaklaw ng Urumqi: Hulyo 5 Insidente

2024-10-22 16:20:12  CMG
Share with:


Ilalabas Oktubre 24, 2024, ng China Media Group - China Global Television Network (CMG-CGTN), ang isang dokumentaryo tungkol sa teroristikong insidenteng naganap noong Hulyo 5, 2009, sa Urumqi, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, sa hilagang kanluran ng Tsina.

 

Pinamagatang “Ang Kadilimang Sumaklaw ng Urumqi: Hulyo 5 Insidente,” isasalaysay ng 49-minutong dokumentaryong ito ang tungkol sa pinanggalingan ng insidente, naganap na kaguluhan, kapinsaalang dulot nito, at pagpapanumbalik ng kaayusan pagkaraan ng insidente.

 

Ito ang ikalimang dokumentaryong ginawa ng CMG-CGTN tungkol sa kampanya laban sa terorismo sa Xinjiang ng Tsina.