Ipinahayag Lunes, Oktubre 21, 2024, ng Kawanihan ng Estadistika ng Beijing, na noong unang tatlong kuwater ng kasalukuyang taon, lumaki ng 5.1% ang gross domestic product (GDP) ng Beijing kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ayon sa nasabing kawanihan, umabot sa 3.3 trilyon yuan renminbi o mahigit 463 bilyong dolyares ang GDP ng kabisera ng Tsina mula noong Enero hanggang Setyembre.