Xi Jinping, iniharap ang mga mungkahi para sa pag-unlad ng BRICS

2024-10-23 23:07:45  CMG
Share with:

Dumalo at nagtalumpati, Oktubre 23, 2024, sa Kazan, Rusya, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-16 na BRICS Summit.

 

Unang-una, ipinahayag muli ni Xi ang mainit na pagtanggap sa limang bagong miyembro sa BRICS.

 

Dagdag niya, sa kasalukuyang summit, inanyayahan ng BRICS ang ilang bansa na maging katuwang nito. Ito aniya ay isa pang mahalagang progreso sa pag-unlad ng BRICS.

 

Tinukoy ni Xi, na sa harap ng kaligaligan at pagbabago ng daigdig, ang BRICS ay dapat maging pangunahing tsanel ng pagtataguyod sa pagkakaisa at pagtutulungan ng Global South, at nangungunang puwersang tagapagpasulong sa reporma ng pandaigdigang pangangasiwa.

 

Para rito, iminungkahi niyang magpokus ang BRICS sa kapayapaan, inobasyon, berdeng pag-unlad, katarungan ng daigdig, at pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Ani Xi, dapat magbigay-ambag ang BRICS para sa pagpapahupa ng tensyon sa pagitan ng Rusya at Ukraine, at pagpapasulong ng tigil-putukan sa Gitnang Silangan.

 

Ipinatalastas ni Xi, na bukod sa bagong sentro ng pagdedebelop ng artificial intelligence na naitayo kamakailan, magkakaroon din ang Tsina ng ilan pang institusyon para sa magkakasamang pag-aaral ng mga bansang BRICS sa mga yaman sa malalim na karagatan, kapasidad na industriyal, didyital na industriya, at iba pa.

 

Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina, kasama ng iba pang mga bansang BRICS, na palawakin ang kooperasyon sa berdeng industriya, malinis na enerhiya, at berdeng pagmimina.

 

Sinabi ni Xi, na kailangang pasulungin ng BRICS ang proseso ng pagtanggap sa mga bagong miyembro at katuwang, para palakasin ang pagkakatawan at karapatang magsalita ng mga umuunlad na bansa sa pandaigdigang pangangasiwa.

 

Nanawagan din siya sa mga bansang BRICS, na palalimin ang kooperasyong pinansyal, at ibayo pang patingkarin ang papel ng New Development Bank bilang institusyong pinansyal sa ilalim ng mekanismo ng BRICS.

 

Para naman sa pagpapalitang tao-sa-tao, iniharap ni Xi ang plano ng Tsina, na itatayo sa loob ng darating na limang taon ang 10 sentro ng pagtuturo sa iba pang mga bansang BRICS, para sanayin ang 1,000 tagapangasiwa, guro, at estudyante sa sektor ng edukasyon.


Editor: Liu Kai