640.6 bilyong yuan RMB na dayuhang pondo, naakit ng Tsina mula noong Enero hanggang Setyembre ng 2024

2024-10-26 11:12:16  CMG
Share with:

Ayon sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Setyembre ng 2024, 42,108 bagong kompanyang pinatatakbo ng pondong dayuhan ang naitatag sa buong Tsina, at aktuwal na nagamit ang 640.6 bilyong yuan renminbi (RMB) na pondong dayuhan.


Samantala, magkahiwalay na lumaki ng 19.3% at 11.6% ang aktuwal na pamumuhunan ng Alemanya at Singapore sa Tsina.


Salin: Lito

Pulido: Ramil