Tsina at ASEAN, may malawak na espasyo ng kooperasyon sa larangan ng biosecurity

2024-10-26 11:14:43  CMG
Share with:

Mula noong Oktubre 23 hanggang 25, 2024, matagumpay na idinaos sa Shenzhen, probinsyang Guangdong ng Tsina, ang unang talakayan tungkol sa biological arms control at security sa rehiyong Timog Silangang Asya.


Dumalo rito ang mga kinatawan mula sa Tsina, 11 bansa sa Timog Silangang Asya, at mga organisasyong pandaigdig, departamento ng pamahalaan, at akademikong organo upang magpalitan ng karanasan ng pagpapatupad ng “Biological Weapons Convention (BWC)” at magtalakayan tungkol sa kung papaano patataasin ang lebel ng biosecurity sa rehiyon.


Ipinagdiinan ni Sun Xiaobo, Puno ng Departamento ng Pagkontrol sa Armas ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang biosecurity ay isang isyung walang hangganan, at ang pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon ay napakahalaga para pigilan at kontrulin ang panganib ng biosecurity.


Inihayag niya na sa larangan ng biosecurity, may malawak na komong posisyon at espasyo ng kooperasyon ang Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).


Salin: Lito

Pulido: Ramil