Sinabi Oktubre 28, 2024, ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa isang bukas at inklusibong mekanismo, malugod na tinatanggap ng Tsina ang higit pang magkakatulad na mga kasosyo, kabilang ang Indonesya, na sumali sa BRICS.
Winika ito ni Lin matapos ipahayag ni Sugiono, Ministrong Panlabas ng Indonesya, noong nakaraang linggo ang pangako nito na sumali sa BRICS, na tinitignan ito bilang isang estratehikong plataporma para isulong ang interes ng mga umuunlad na bansa at Global South.