Aplikasyon sa pagsapi sa BRICS, isinumite ng Indonesya

2024-11-01 16:24:13  CMG
Share with:

Sinabi, Oktubre 31, 2024 ni Tagapagsalita Roy Soemirat ng Ministring Panlabas ng Indonesya na isinumite na ng bansa ang aplikasyon sa pagsapi sa BRICS.

 

Hinihintay aniya ng Indonesya ang pinal na kapasiyahan ng mga kasaping bansa ng BRICS.

 

Umaasa ang Indonesya na sa pamamagitan ng pagsapi sa BRICS, mapapalawak nito ang ekonomikong pakikipagtulungan sa mga kasaping bansa, at gagawin ang mas positibong ambag sa pagharap sa mga pandaigdigang krisis, dagdag ni Soemirat.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil