Hahaliling punong ehekutibo ng Macao, kinatagpo ni Pangulong Xi Jinping

2024-11-02 11:10:17  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing Kinatagpo Nobyembre 1, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Sam Hou Fai, bagong halal na ika-6 na punong ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR) at iminungkahing kandidato kamakailan ng pamahalaang sentral.

Sa saksi ni Pangulong Xi, iniharap ni Premyer Li Qiang kay Sam Hou Fai ang isang atas ng Konseho ng Estado na humirang kay Sam bilang ika-6 na terminong punong ehekutibo ng MacaoSAR.


Salin: Lito

Pulido: Ramil