Ika-5 mataas na antas ng diyalogo sa seguridad ng Tsina at Alemanya, ginanap sa Xi'an

2024-11-06 16:20:07  CMG
Share with:

Ginanap Nobyembre 4, 2024, sa Xi'an, punong lunsod ng probinsyang Shaanxi ng Tsina, ang ika-5 mataas na antas ng diyalogo sa seguridad ng Tsina at Alemanya.

 

Sa seremonya ng pagbubukas, dumalo at nagtalumpati si Chen Wenqing, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Puno ng Commission for Political and Legal Affairs ng Komite Sentral ng CPC.

 

Ipinahayag niya na sa nakalipas na taon, aktibong ipinatupad ng Tsina at Alemanya ang mga komong palagay na narating sa ika-apat na mataas na antas ng diyalogo sa seguridad, at nakamit nila ang serye ng mga praktikal na bunga.

 

Sinabi rin ni Chen na dapat gampanan ng magkabilang panig ang nangungunang papel ng mekanismo, tutukan ang pagpigil at pagresolba sa mga panganib, at pangalagaan ang komong interes sa seguridad ng dalawang bansa.

 

Sa diyalogo, malalimang nagtalakayan ang iba’t ibang departamento mula sa Ministri ng Ugnayang Panlabas, Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon, Ministri ng Pampublikong Kaligtasan, Ministri ng Seguridad ng Estado, at Bangkong Bayan ng Tsina, at mga kaugnay na ahensya ng Alemanya, ang mga isyung may kinalaman sa kontra-terorismo, network at ekonomiya, mainit na isyu sa rehiyon, at paglaban sa transnasyunal na organisadong krimen, kung saan naabot ng dalawang panig ang konsensus at mga resulta.  


Salin: Yan Shasha

Pulido: Ramil/Frank