Inanunsyo Nobyembre 8, 2024, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-31 APEC Economic Leaders’ Meeting sa Lima at magsasagawa ng dalaw-pang-estado sa Peru, sa paanyaya ni Pangulong Dina Ercilia Boluarte Zegarra ng Republika ng Peru, mula Nobyembre 13 hanggang 17.
Ani Hua, dadalo rin si Pangulong Xi sa Ika-19 na G20 Summit sa Rio de Janeiro, at magsasagawa ng dalaw-pang-estado sa Brazil sa paanyaya ni Pangulong Luiz Inácio Lula da Silva ng Pederasyong Republika ng Brazil, mula Nobyembre 17 hanggang 21.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil Frank