Bilang tugon sa pagkatig ng Amerika sa pagsasabatas ng Pilipinas ng Maritime Zones Act, ipinahayag kahapon, Nobyembre 11, 2024 ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa loob ng nakalipas na maraming taon, palagiang inuudyukan at pinupukaw ng Amerika ang Pilipinas na gumawa ng mga probokasyon at panghihimasok sa South China Sea (SCS) para makapinsala sa katatagan ng rehiyon.
Sinabi niyang, hinihiling ng Amerika sa ibang mga bansa na sumunod sa United Nations Convention on the Law of Sea (UNCLOS), pero ang bansa mismo ay hindi sumasali sa naturang kombensyon.
Aniya, ang kilos ng Amerika na ito ay tipikal na “double standard.”
Dagdag ni Lin, ang di-umano’y arbitrasyonal na ruling sa SCS ay labag sa UNCLOS, kaya ito ay kumpletong pampulitikang komedya, at ang hatol ng arbitrasyon ay iligal at walang bisa.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Frank