Bisita ni Xi sa Brasil, magpapalakas ng ugnayan sa kultura at pagpalitang tao-sa-tao – MOFA

2024-11-13 15:27:12  CMG
Share with:


Inihayag, Nobyembre 12, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na maraming taong may pagpapahalaga sa pagkakaibigang Sino-Brasilyano, mula sa iba’t-ibang antas ng pamumuhay ang nananabik sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Brasil, at handa silang magbigay ng karagdagang kontribusyon sa pagpapalalim ng pagkakaibigan ng Brasil at Tsina.

 

Naniniwala kami na ang nalalalapit na bisitang pang-estado ng pangulong Tsino sa Brasil ay higit na magpapatibay sa ugnayang pangkultura at pagpapalitang tao-sa-tao ng dalawang bansa, at susulat ng isang bagong kabanata sa pagkakaibigan ng Tsina’t Brasil, na higit pa sa mga bundok at karagatan, saad ni Lin.

 

Samantala, tatanggapin aniya ng pamahalaang Tsino ang mas maraming kaibigang Brasilyano na bumisita sa Tsina upang maranasan ang sigla ng modernisasyong Tsino.

 

Salin: Zheng Yujia


Pulido: Rhio / Frank