Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng China Global Television Network (CGTN) at Renmin University of China, sa pamamagitan ng New Era Institute of International Communication (NEIIC), sumasaklaw sa 7,658 respondente sa 38 bansa, ay nagsabi na 83.5% respondente ang nagbigay ng positibong pagtasa sa pagsisikap at kontribusyon ng Tsina sa pangangasiwa ng pandaigdigang klima.
Naniniwala sila na ang proaktibong aksyon ng Tsina sa pagtugon sa pagbabago ng klima ay nagdulot ng kumpiyansa at lakas sa magkasanib na pagsisikap na bumuo ng isang malinis at magandang mundo.
Samantala, naniniwala ang 83.5% respondente na natamo ng Tsina ang positibong progreso sa pagkontrol ng greenhouse gas emissions. Sinang-ayunan ng 80.2% respondente ang pagsisikap ng Tsina na pasulungin ang berdeng transpormasyon sa tradisyonal na industriya. Pinapurihan ng 85.4% respondente ang pagsisikap ng Tsina sa pagtatanim ng gubat at pagpapalaki ng berdeng saklaw. Tinitignan ng 85.3% respondente ang Tsina bilang isang lider at pangunahing kalahok sa pandaigdigang pamamahala sa klima.
Isinama sa naturang sarbey ang mga respondente mula sa parehong maunlad na bansa, tulad ng Amerika, Alemanya, at Hapon, at mga umuunlad na bansa na tulad ng Argentina, India at Kenya.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil Frank