Pangulong Tsino at PM ng Singapore, nagtagpo

2024-11-16 10:17:42  CMG
Share with:

Lima, Peru Sa kanyang pakikipagtagpo Nobyembre 15, 2024 (lokal na oras) kay Punong Ministro Lawrence Wong ng Singapore sa sidelines ng Ika-31 APEC Economic Leaders' Meeting, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa susunod na taon ay sasalubungin ang ika-35 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Singapore.


Kasama ng Singapore, nakahanda aniya ang Tsina na panatilihin ang pangkalahatang direksyon ng pagkakaibigan, palalimin ang pagdadalawan sa mataas na antas, igiit ang pagtitiwalaan, at igalang ang nukleong kapakanan ng isa’t-isa upang patuloy at kapit-bisig na sumulong sa landas tungo sa modernisasyon.


Ipinahayag naman ni Song na ganap na nauunawaan ng kanyang bansa ang posisyon ng pamahalaang Tsino sa isyu ng Taiwan, tinututulan ang “pagsasarili ng Taiwan” sa anumang porma, at buong tatag na iginigiit ang prinsipyong isang-Tsina.


Nakahanda aniya ang Singapore na magsikap kasama ng Tsina upang mapalalim ang multilateral na kooperasyon ng kapuwa bansa sa mga multilateral na larangan.


Salin: Lito

Pulido: Ramil