Ayon sa China Manned Space Agency (CMSA), isinagawa Nobyembre 17, 2024, ang kontroladong pagbalik sa atmospera ng planetang Mundo ng Tianzhou-7 cargo spacecraft.
Humiwalay ang sasakyang pangkalawakan, Nobyembre 10 mula sa kombinasyon ng istasyon pangkalawakang nasa orbita at sinimulan ang independiyenteng paglipad.
Dahil sa presyur ng muling pagbalik sa atmospera ng Mundo, nasunog ang karamihan sa mga bahagi ng spacecraft at nahulog naman sa itinakdang ligtas na sona sa timog na bahagi ng Karagatang Pasipiko ang iba pang natitirang bahagi.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio Lito