Fiyesta Haraya 2024, idinaos: kultura ng pagkain ng Iloilo at Chaozhou, magkasamang inihandog

2024-11-19 17:17:53  CMG
Share with:


Idinaos Nobyembre 15 hanggang 19, 2024 sa lunsod ng Iloilo, Pilipinas, ang “Fiesta Haraya 2024 - Flavors of UNESCO Creative Cities: Iloilo and Chaozhou.”

 

Inihandog sa aktibidad na ito ang mga makukulay at samu’t saring putaheng Ilonggo’t Tsino, porum ng pagpapalitan ng kultura sa pagkain ng Iloilo at Chaozhou, at food crawl experience para sa mga panauhin at turista.

 

Noong 2023, pinangalanan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang “City of Gastronomy” ang lunsod ng Iloilo ng Pilipinas at lunsod Chaozhou, lalawigang Guangdong, dakong timog ng Tsina.

 

Nilalayon ng naturang kaganapan na mapasulong ang pagpapalitan ng kultura at tauhan ng Iloilo at Chaozhou, sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga iba’t ibang putahe at interaksyon ng mga kusinero.

 

 

Video: iloilocitymicecenter

Salin: Kulas

Pulido: Ramil

Espesyal na pasasalamat: DTI-Philippine Trade and Investment Center in Guangzhou