Sa okasyon ng Ika-19 na G20 Summit na idinaos sa Rio De Janeiro, Brasil, nagtagpo Nobyembre 19, 2024 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Javier Milei ng Argentina.
Binigyang-diin ni Xi na ang kooperasyong pang-ekonomiya at kalakalan ng Tsina at Argentina ay may malawak na prospek, at kasama ng Argentina, nakahanda ang Tsina na itaguyod ang de-kalidad na magkasanib na konstruksyon ng “Belt and Road,” palalimin ang kooperasyon sa enerhiya at pagmimina, imprastruktura, agrikultura, siyentipiko at inobasyong teknolohikal, at didyital na ekonomiya.
Ipinahayag naman ni Milei na matatag na sinusunod ng kanyang bansa ang prinsipyong isang-Tsina.
Umaasa aniya siyang ibayo pang pahihigpitin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa ekonomiya, kalakalan, enerhiya, pagmimina, at pinansiya.
Winewelkam ng kanyang bansa ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal at nakahandang ipagkaloob ang magandang kapaligiran ng negosyo para sa mga bahay-kalakal ng Tsina, dagdag ni Milei.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Frank