Sa kanilang pag-usap, Nobyembre 20, 2024 (lokal na oras), sa Palácio da Alvorada, palasyong pampanguluhan ng Brasil, magkasamang inanunsyo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva ng Brasil ang pagpapataas sa relasyong Sino-Brasilyano sa komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan tungo sa magkakasamang pagtatayo ng mas makatarungan at sustenableng mundo.
Chinese President Xi Jinping (L) meets with his Brazilian counterpart Luiz Inácio Lula da Silva, Brasilia, Brazil, November 20, 2024. /Xinhua
Tinukoy ni Xi, na ang relasyong Sino-Brasilyano ay nasa pinakamabuting panahon ng kasaysayan, at ang pagpapataas ng bilateral na relasyon, at pag-uugnay ng “Belt and Road Initiative (BRI)” at estratehiyang pangkaunlaran ng Brasil ay isa pang historikal na bunga ng pag-unlad ng relasyong Sino-Brasilyano.
Kasama ng Brasil, magsisikap aniya ang Tsina para ibigay ang mas malaking ambag sa kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan.
Kaugnay nito, inilahad ni Xi ang apat na mungkahi hinggil sa pag-unlad ng bilateral na relasyon sa hinaharap: una, patuloy na pagpapatibay ng estratehikong pagtitiwalaan sa isa’t-isa; ikalawa, palaging pagpapalalim at pagpapa-unlad ng estratehikong ugnayan; ikatlo, pagbibigay ng puwersa sa pangangalaga ng kapayapan at katarungan ng daigdig; at ikaapat, pag-aambag sa pagtatayo ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Samantala, sinabi rin ni Xi, na ang pagtataguyod ng China and the Community of Latin American and Caribbean States (CELAC) Forum ay isang hakbang na inanunsyo niya kasama ng mga lider ng Latin Amerika at Caribbean, 10 taon na ang nakaraan sa Brasil.
Hinggil dito, magsisikap aniya ang Tsina kasama ng Brasil para patuloy na mabuting idaos ang porum na ito.
Ipinahayag naman ni Pangulong Lula da Silva, na ang Tsina ay pinakamahalagang estratehikong katuwang ng Brasil.
Umaasa aniya ang Brasil, na ang pagbisita ni Pangulong Xi ay magiging bagong puntong panimula tungo sa pagtatamo ng mas maraming aktuwal na bagong bunga.
Ang pagbisita ni Pangulong Xi ay bagong milestone sa kasaysayan ng relasyong Brasilyano-Sino at nagbukas ng bagong kabanata sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa, dagdag ni Lula da Silva.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio Frank