Isasahimpapawid sa darating na Disyembre ang micro-drama na pinamagatang “The Beauty of Glaze” na magkakasamang ginawa ng China Media Group–Asian and African Languages Programming Center (CMG-AALPC), China Global Television Network (CGTN) at Huayu International Cultural Communication Co., Ltd.
Sa pamamagitan ng isang kuwento ng asul at puting porselana ng Tsina at Samarra Blue ng Persya, itatampok sa micro-dramang ito ang pamana at pag-unlad ng hindi nasasalat na pamanang kultural ng Tsina, at pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto ng iba’t-ibang sibilisasyon sa daigdig.
Salin: Kulas
Pulido: Ramil