Idinaos kamakailan ng Ika-29 na Pulong ng mga Signataryong Panig ng “United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC)” (COP29) ang talakayang may temang “Praktikang Tsino at Dayuhan sa Pagbibigay-tulong ng Recycling Economy sa Pagharap sa Pagbabago ng Klima.”
Tinalakay dito ng mga iskolar at personahe mula sa sektor ng bahay-kalakal na Tsino at dayuhan tungol sa praktika ng recycling economy sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Sa panahon ng talakayan, isinapubliko sa kauna-unahang pagkakataon ang bunga ng pag-aaral sa recycling economy na gaya ng “Magkasanib na Ulat ng Pag-aaral ng Tsina at Amerika tungkol sa Recycling Economy (2024).”
Sinabi sa talakayan ni Zhao Yingmin, Puno ng Delegasyong Tsino sa COP29 at Pangalawang Ministro ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina, na ang recycling economy ay nagsisilbing mahalagang nilalaman ng pagpapasulong ng Tsina sa konstruksyn ng sibilisasyong ekolohikal at pagsasakatuparan ng de-kalidad na pag-unlad.
Aniya, nitong ilang taong nakalipas, natamo ng Tsina ang kapansin-pansing bunga sa mga larangang gaya ng bagong enerhiya, berdeng gusali, at bagong-enerhiyang sasakyan. Ito ay hindi lamang nagpapakita ng determinasyon ng Tsina sa pagpapasulong ng luntian at mababang-karbong transpormasyon at aktibong pagharap sa pagbabago ng klima, kundi nagkakaloob din ng karanasang Tsino sa praktika ng recycling economy ng buong mundo, dagdag pa niya.
Ipinahayag ni Liu Zhenmin, Espesyal na Sugong Tsino sa mga Suliranin ng Pagbabago ng Klima, ang kahandaan ng panig Tsino na palakasin ang diyalogo sa iba’t-ibang bansa para mapasulong ang lubos na pagpapatingkad ng papel ng recycling economy sa pagharap sa krisis ng klima.
Sinabi naman ni Rick Duke, Pangalawang Espesyal na Sugo ng Pangulong Amerikano sa Isyu ng Klima, na may mahalagang katuturan ang recycling economy sa pagharap sa pagbabago ng klima. Ito aniya ay pinahahalagahan ng kapuwang bansang Tsina at Amerika.
Ipinahayag niya na dapat magkasamang magsikap ang Amerika at Tsina sa usapin ng pagharap sa pagbabago ng klima upang mabigyang-benepisyo ang kanilang mga mamamayan.
Salin: Lito
Pulido: Ramil