Ipinahayag Nobyembre 22, 2024 ng Tsina ang pagpapalawak ng visa-free policy nito sa mga mamamayan mula sa 38 bansa, bagay na ibayo pang makakapagpadali sa cross-border travel at makakapagpalakas sa pandaigdigang konektibidad.
Mula Nobyembre 30, 2024 hanggang Disyembre 31, 2025, ang mga may hawak ng ordinaryong pasaporte mula sa mga bansang kinabibilangan ng Bulgaria, Romania, Croatia, Montenegro, Hilagang Macedonia, Malta, Estonia, Latvia at Hapon ay magiging kuwalipikado para makapasok sa Tsina nang walang bisa sa ilalim ng isang trial program.
Salin: Lito
Pulido: Ramil