Mga Artikulo
v Tungkol sa 2016 Rio Olympic Games 2016-09-07
Tapos na ang 2016 Rio Olympic Games. Unang una, congratulations sa pagkakapanalo ni Hidilyn Diaz ng metalyeng pilak sa Weightlifting Women's - 53 kg. Bukod sa historic win na ito, mga kaibigan, ano pa ang nag-iwan ng pinakamalalim na impresyon sa inyo sa Olimpiyadang ito?

Sa palagay ko, sa Olimpiyadang ito, binago ng mga Tsino ang kanilang pokus. Hindi tulad ng dati, sinubaybayan nila ang ibang mga aspekto sa halip na mga medalya lang.

v Tungkol sa Palabas ng "Ang Henerala" 2009-09-17

Nanood ko and palabas ng Ang Henerala sa Rizal Mini Theater ng Ateneo. Sa pagtatapos na makita ang palabas na "Ang Henerala ni Nicolas Pichay", marami kong natutunan at nalaman tungkol sa dulang ito. Tila ay lagi tayong nagsisikap para masiyahan ang ating sarili sa anumang panig ng pamumuhay. Kailangan natin ang pagkain, kasuotan, tahanan dahil sa saligang kasiyahang pangkatawan. Nang naiangat ng makabagong kabihasnan ang antas ng ating lipunan, ang tampulan ng pansin natin ay pangangailangang maramdamin ng mga tao, tulad ng respeto at pagkakapareho. Ang pinakaimportante at batayan ng itong uri ng kailangan ay pagpapapansin ng bawat isa, tema ng Ang Henerala ni Nicolas Pichay.

v Boracay at Palawan 2009-08-21

Sa tingin ng mga Filipino na kilala ko, isang lugar na puno ng salamangka ang Palawan. Kung ihahambing sa Boracay, kahit na parehong maganda ang dalawang pook, mas payapa ang Palawan. Dito, walang masyadong maraming turista, walang ingay na maaaring istorbohin ang mahignaw na buhay ng mga tao. Ito ay isang lugar para sa pamamahinga, ang Boracay naman, ay para sa kalibangan.

 

v Pagod na Pagod pero Masayang-masaya--Tumulong Magtayo ng Bahay sa GK Komunidad 2009-08-12

Bilang boluntaryong estudyante mula sa Ateneo de Manila University, pumunta kaming mga Chinese exchange student kahapon sa isang GK (Gawad Kalinga) komunidad--Baranggay Baesa, Quezon City--upang tumulong magtayo ng bahay para sa mga pamilyang pilipino.

Sa pamumuno ni Ate Sheena, isang staff mula sa OIP (Office of International Programs) ng Ateneo, umalis kami papuntang komunidad na ito sa 7:30 ng umaga. Kasama rin sa amin ang apat na babaing taga-Sun Yat-Sen University, isang Hapon at dalawang pilipino. Lahat ang estudyante sa Ateneo.

 

v Ang Sistema ni Propesor Tuko--Sa Punto de Bista ng Isang Dayuhan 2009-08-10

Para sa mga dayuhan, palaging mahirap at nakakatuwang karanasan ang panonood ng isang dulang inilabas sa wikang lokal. Mahirap dahil hindi masyadong naintindihan ang mga idyoma at biro na pinagtawanan ng mga lokal; nakakatuwa dahil maaaring matuklasan ang mga bagay na di-maaaring matuklasan ng mga lokal, kung manood sa kakaibang punto de bista bilang isang dayuhan.

Sa katotohanan, kung walang mga nakakatawang usapan at mapagmalabis na pagpapalabas ng mga tauhan; kung walang mga basura at karton na bumubuo ng tagpong parang kaiskwateran; kung hindi natatangi ang kanya-kanyang katangian nina Propesor Tuko, Ningning at Bondyin, ang dulang ito ay sigurong isa pang istiryotipo hinggil sa tunggalian sa pagitan ng mga estudyante at guro na walang pag-aalinlangang natapos sa pagpapalit ng mga estudyante ang lumang sistema ng guro. Dahil sa elementong nakakatawa, ilohikal at ridikuloso, tila masyadong kaakit-akit ang dating karaniwang kuwento. Sinasabing ito ang pamamaraang ginagamit ng mandudula upang makamit ang "estranging" o "defamiliarizing" ng realidad sa loob ng paaralan.

 

More>>
Mga Larawan
Comments