Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tungkol sa 2016 Rio Olympic Games

(GMT+08:00) 2016-09-07 11:21:41       CRI

Tapos na ang 2016 Rio Olympic Games. Unang una, congratulations sa pagkakapanalo ni Hidilyn Diaz ng metalyeng pilak sa Weightlifting Women's - 53 kg. Bukod sa historic win na ito, mga kaibigan, ano pa ang nag-iwan ng pinakamalalim na impresyon sa inyo sa Olimpiyadang ito?

Sa palagay ko, sa Olimpiyadang ito, binago ng mga Tsino ang kanilang pokus. Hindi tulad ng dati, sinubaybayan nila ang ibang mga aspekto sa halip na mga medalya lang.

Isang female Chinese swimmer na si Fu Yuanhui ay naging super kilala hindi dahil nakuha niya ang medalya, pero dahil sa kanyang funny and exaggerated facial expression nang interbyuhin siya pagkatapos ng kompetisyon.

Heto ang detalye. Noong August 7, pagkaraan ng Women's Backstroke semifinal, sinabi ni Fu Yuanhui sa isang CCTV reporter na "Ginamit ko na ang "prehistoric powers." Ang quiate na ito ay naging viral sa Internet dahil ginawa itong meme. Nang tanungin kung ano ang pag-asa siya sa final, sinabi niya "No expectations! I'm very satisfied now!"

Sa wakas, nakuha ni Fu ang medalyang tanso sa 100m Backstroke Final, not gold. Ngunit, dahil sa kanyang frankness at humor, naging hit siya sa social media. "Behind this trend is a clear admiration for athletes who manage to relax and enjoy the games despite immense pressure," sabi ng People's Daily.

Ang isa pang event na nakatawag ng napakaraming pansin ng mga Tsino ay ang --volleyball team.

Nakuha nila ang medalyang ginto pagkaraan ng sobrang hirap na mga kompetisyon. Dahil nakaranas ang volleyball team ng pagpapabago ng mga senior at new members, hindi inasahan ng mga manonood na makukuha nila ang medalyang ginto. Ngunit, nagtagumpay sila with their never give up attitude and fighting spirit.

Para ipagdiwang ang tagumpay na ito, ginawa ng mang-aawit na si Wang Xiaowei ang isang kantang pinamagatang "Chinese Style."

Ang coach ng volleyball team na si Lang Ping ay isang legend. Dati siyang player, at kasama ng kanyang teammates, nakuha nila ang 1984 Los Angeles Olympics gold. Mula noon, ang volleyball team ng Tsina ay nagsilbing isang flag bearer sa Chinese sports dahil sa kanilang fighting spirit.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>