Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tungkol sa Palabas ng "Ang Henerala"

(GMT+08:00) 2009-09-17 15:24:49       CRI

Nanood ko and palabas ng Ang Henerala sa Rizal Mini Theater ng Ateneo. Sa pagtatapos na makita ang palabas na "Ang Henerala ni Nicolas Pichay", marami kong natutunan at nalaman tungkol sa dulang ito. Tila ay lagi tayong nagsisikap para masiyahan ang ating sarili sa anumang panig ng pamumuhay. Kailangan natin ang pagkain, kasuotan, tahanan dahil sa saligang kasiyahang pangkatawan. Nang naiangat ng makabagong kabihasnan ang antas ng ating lipunan, ang tampulan ng pansin natin ay pangangailangang maramdamin ng mga tao, tulad ng respeto at pagkakapareho. Ang pinakaimportante at batayan ng itong uri ng kailangan ay pagpapapansin ng bawat isa, tema ng Ang Henerala ni Nicolas Pichay.

Mapapansin natin ang mga elemento ng tagpuan sa dulang ito, kamera, bakanteng frames, mga pulang kurtina at pink na kasuotan. Parang walang kaugnayan ang mga ito sa kuwentong makakasaysayan ng dula. Kaya medyo kakatuwa ang lahat. Ngunit sa katotohanan, may parehong kahulugang simboliko ang mga bagay at naging mahalagang pamaraanan ng pagpapapansin ng mga tauhan. Kung hindi, bakit naglitrato ng sarili paminsan-minsan ang kanilang katulong na si Candy? Bakit may biglang palitan ng mukha sa loob ng frames? Ang masidhing hiwatig ng mga bagay ay masyadong inaasam ang pagpapagansin ng mga tauhan. Kaya nag-effort silang pansinin ang sarili kasi wari ay hindi nga sila nabigyan ng sapat na pansin ng iba.

Halimbawa ay maybahay ni Colonel Pecto Poblador na si Apolonia. Kahit may edad na, bigla siyang naging senswal sa harap ng kanyang asawa. Nang nagbigay ang mga manonood ng masigabong palakpak para sa nakakatuwa at maiyag pagpapalabas ni Apolonia, tila ay narinig natin ang sumisigaw niya sa kalooban na kailangan niya rin ng pansin ng asawa niya bilang isang babae kahit matanda at mataba na siya. Kaya mula sa kanyang kailangang pangkatawan, narinig pa rin namin ang kanyang kailangang maramdamin. Gayon pa man, hindi ginawa ni Colonel Pecto ang nais ni asawa niya. Kaya sa wakas, aalis si Apolonia nang nalalaman niya na isinapanganib ang kanyang pagkakakilanlan bilang tunay na asawa ni Pablador. Ito ang pinakahuli niyang pagsisikap para sa pagpapapansin.

Pero hindi ikinagulat ng koronel ang kanyang awawa lang, kundi ang pag-iinarte ng kanyang anak na si KD. Isang di-kagandahang babae siya at kagulat-gulat ang pagkakalbo niya. Nais niyang pumansin sa kanya sa pamamagitan ng pagtatangkang magpatiwakal. Bakit pagpapakamatay ang ginagawa niyang paraan? Ang pusok na ginagawa ay galing sa matinding damdamin o sabik na kinakailangan. Pagkatapos, nakadagdag din sa kaguluhan ng pamilya ng koronel ang di inaasahang pagdating ng mga rebelde sa kanilang compound, gayundin ang pakikialam ng isangdaang taong gulang na huklubang Intsik na si Mrs. Foo, at ang panaka-nakang panghihimasok ng kanilang katulong na si Candy. Kaya talagang gulung-gulo ang kalagayan ng pamilya sa entablado.

Bakit ganito? Maramot ang bawat tao at hindi sila magbigay-pugay sa mga bagay na karapat-dapat namang mabigyang pagkilala, na inilahad sa dula sa makaagaw-pansing pamamaraan. Kaya hindi nasiyahan ng kanilang kapwa at natagpuan nila ang sari-saring pagkakasalungatan sa pamumuhay nila na dapat maging masaya dahil sa may pagpaparangal sa kolonel. Subalit pagkatapos dadalawin ang bahay ng mga Poblador ng isang henerala mula sa nakaraan, na naging nakakagimbal sa lahat. Tuluyang mabubulabog ang inaakala nilang maayos na pamumuhay. Kaya unti-unti naming naunawaan na hindi maaaring gawin ang mismong pagbanyuhay kundi may simpleng pagkilala at pag-alala sa mga indibidwal sa kapaligiran.

Kung mapapansin natin ang kagagawan ng mga tauhan na umiikot sa paksang pagpapapansin tulad ng asawa ng colonel na si Apolonia, anak niyang si KD, katulong na si Candy at kaluluwa ng henerala, natuklasan pa rin natin sa dula ang mga elemento ng feminismo noong mga huling taon ng ikasiyam na siglo sa Pilipinas. Isang tangyag na taong makasaysayan ang heneralang iyon na nag-ambag para sa paglaban sa kolono ng mga Kastila. Subali't hindi siya natanggap ang anumang gantimpala noong buhay pa siya. Sa dulang ito, gumising siyang muli mula sa isang larawang makasaysayan sa likuran at napaloob siya sa mga pangyayaring pampamilya ng colonel. Sa wakas, pinarangalan ang henerala ng pangulo at tumanggap siya ng Kagitingan award sa halip ni Colonel Pecto Poblador. Kaya ang pagbibigay ng pansin ay hindi tungkol sa indibidual lamang, pero grupo ng mga babae sa lipunan na karapat-dapat sa pagpapahalaga o pagpapapansin.

Samakatuwid, masyadong nakakatuwa ang dulang Ang Henerala ni Nicolas Pichay. Ngunit ang dula ay hindi para aliwin lang kundi buwisitin ang mga manonood. Sa pamamagitan ng masipag na pag-iisip, nalaman natin na kung bukas-palad sa pagbibigay ng pansin sa ating kapwa, magkakaroon tayo ng buhay, lipunan at bansa na may pagkakasundo at pagpupugay. Ito ang labasan din ng Pilipinas noong iyong rebolusyonaryong panahon at sa kasalukuyan, di ba?

ni Shen Shuang

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>