Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Boracay at Palawan

(GMT+08:00) 2009-08-21 18:36:27       CRI
Sa tingin ng mga Filipino na kilala ko, isang lugar na puno ng salamangka ang Palawan. Kung ihahambing sa Boracay, kahit na parehong maganda ang dalawang pook, mas payapa ang Palawan. Dito, walang masyadong maraming turista, walang ingay na maaaring istorbohin ang mahignaw na buhay ng mga tao. Ito ay isang lugar para sa pamamahinga, ang Boracay naman, ay para sa kalibangan.

Kalye sa kabila ng aplaya sa Boracay

Mga villa sa Boracay Station 1

Pumunta kami sa Boracay noong Mayo, tunay na kahanga-hanga ang tanawin doon. Lumaki ako sa gitna ng Tsina, kung saan ay libutan ng mga bundok, kaya ang Boracay ay parang isang eye opener para sa akin. Ganyang bughaw at malinaw ang dagat, tila salamin ng asul na langit, gusto kong lumuha dahil sa nitong ganda. Mapalad kasi mainam at maaraw ang panahon kapag naroon kami. Masaya ang limang-araw na tigil namin sa Boracay, Island Hopping, Sailing, Sunbathing….tunay na fun sa tabing-dagat! Ang puting beach nito ay sinasakop ng mga kakaibang restaurants, bars, sari-sari stores, gift shops…. Totoo nga, ang Boracay ay labis na commercialized, puno ng turista at ingay, bihira kong nakita ang mga locals sa beach, maliban sa mga shop owners. Para sa mga karaniwang turista, baka hindi masama ang commercialization, sapagkat kung walang commercialization ang mga bakasyunan, marahil ay wala silang pakakataong abutan ang ganyang purong kagandahan. Sa mga locals naman, they have to lose something to obtain something. Wala na ang mga nakaraang araw na mayroon pa silang kapayapaan. Sa kabilang banda, kumikita sila ng mas maraming pera upang magkaroon ng mas mabuting buhay. Para sa Boracay, maraming tao mula sa ibang lugar ay maaaring lumangoy sa malinaw na dagat nito, mamasyal sa puting beach, makita ang asul na langit. Dinadala nito ang kasayahan sa mga taong tumigil sa lungsod nang masyadong matagal. Gayunpaman, hindi maliit naman ang impact ng pagdating ng mga dumaraming turista.

Honda Bay, Palawan

Underground River sa Puerto Princesa, Palawan

Ang Palawan ay iba. Umambon kapag pumunta kami sa Honda Bay noong ikalawang araw ng aming paglalakbay, unang beses na lumangoy ako sa dagat kapag umulan, mainit ang tubig, parang lumangoy sa hotspring. Pumunta kami sa Underground River, isang must-visit resort sa Puerto Princesa city. Bagama't medyo takot ako sa kadiliman, tiyak na unforgettable ang karanasang ito. Mayroon din kaming pagkakataong makita ang tunay na Nemo (a species of fish as in Finding Nemo) sa Pandan Island at mga dolphins at starfishes, lovely! A dream comes true, nasisiyahan na ako! Makakaiba ang flora at fauna sa Palawan, which is really amazing. Kahit na hindi ganoong mabuti ang panahon sa Palawan during our stay, ang likas na kagandahan nito ay kataka-taka. Kung gusto mo ang kapayapaan, isang mabuting puntahan ang Palawan.

ni Zhang Lei

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>