|
||||||||
|
||
Sa pamumuno ni Ate Sheena, isang staff mula sa OIP (Office of International Programs) ng Ateneo, umalis kami papuntang komunidad na ito sa 7:30 ng umaga. Kasama rin sa amin ang apat na babaing taga-Sun Yat-Sen University, isang Hapon at dalawang pilipino. Lahat ang estudyante sa Ateneo.
Sakay sa isang jeepney, dumating kami sa Barangay Baesa sa loob ng isang oras. Pumasok kaming lahat sa isang maliit na opisina at nakasalubong kami ng mga staff ng program na ito. Masaya sila sa aming dalaw. Sa may pinto, ikinabit ang isang whiteboard na may sulat na "Welcome/Ateneans/Students/August 1, 2009 9AM." Pagkatapos ng ilang minuto, dumating rin ang ilang French volunteer.
Una, binigyan kami ng maikling orientasyon. Ipinakilala ng isang staff ang gawain namin at GK program na ito. Sa suporta ng pamahalaan ng Quezon City, itinayo na nila ang ilang hanay na bagong bahay. Pero marami pa ang kailangang gawin at marami kaming matutulong.
Tapos, nagsimula ang mabigat na trabaho. Hinati kami sa dalawang grupo. Isa ang nagpantay-pantay ng base ng itatayong bahay. Iba ang nagpuno ng mga hukay. Bukod sa lunch break, sa kabuuan, nagtrabaho kami nang mga limang oras. Maruming-marumi ang mga damit at sapatos. Pagod na pagod ang katawan.
Pagkatapos, nagtipon ang lahat ng volunteer at nag-share ng karanasan. Sina Della HUO at Don WANG ang katawan ng aming Mifi. Ang parehong karanasan ng lahat ay pagod na pagod pero masayang-masaya; kasi tumulong nga kami kahit na sa isang maliit na bahagi at nakapagkilala kami ng maraming bagong kaibigan sa pamamagitan ng sama-samang nagtrabaho. Kilala rin namin ang maraming bata na nakatira sa komunitad na ito. Lovely silang lahat at magandang-maganda ang kanilang mga mata at ngiti. Masaya kaming lahat sa kanilang pagsama. Sa maikling salita, napakaganda ng karanasang ito. Siguro pupunta kami uli sa GK komunidad.
Mga 4:30 ng hapon, umalis kami at bumalik sa Ateneo.
Sa wakas, maraming salamat kina Della HUO at Cissy ZHENG sa pagkuha ng mga photo
ni Megan Lee
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |