Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-15 2011

(GMT+08:00) 2011-02-21 18:59:49       CRI

Kumusta po kayo, mga kaibigang Pinoy? Kumusta, Pilipinas!!! Sabado na naman ng gabi at sana ay masaya kayo habang nakikinig sa Pop China-iyong paboritong ninyong Chinese Pop Music Program na inihahatid sa inyo ni Happy DJ-S-I-S-S-I, sissi~

Nitong ilang araw na nakalipas, iniisip ko na kung hindi ako naging DJ, ano kaya ang gagawin ko? Alam po ninyo, lubhang gusto ko ang pagta-travel, pero, malaki ang gastos at maliit ang aking suweldo, kaya, sa palagay ko ay hindi puwede iyon. Lubhang kinagigiliwan ko rin ang pagtikim ng iba't ibang masarap na pagkain, pero, ayaw ko namang maging mataba at hindi rin ako marunong magluluto. Wala akong kaalaman sa threpsology, na ang ibig sabihin ay mabuhay o make a living batay sa pagmamahalaan lamang. Inisip ko ring maging psychologist at bumili ng ilang textbook, pero, sa bandang huli, natuklasan kong ang pag-intindi at pagbibigay advice sa ibang tao ang pinakamahirap na bagay sa mundo. Sa wakas, naisip kong minamahal ko talaga ang music at magaling akong magpaligaya ng ibang tao, kaya, dapat ay manatili na lamang ako bilang inyong Happy DJ. Hehe Tuwang tuwa ako na maging DJ at makapiling kayo tuwing Sabado ng gabi. Ito ang pinaka-enjoy na panahon para sa akin sa loob ng isang linggo.

Kayo'y nasa China Radio International, programang Pop China na inihahatid sa inyo ng inyong happy DJ na si Sissi. Balik tayo sa music chart at iri-reveal muna natin ang tatlong pinka-popular na kanta sa nakaraang linggo.

Sa Ika-3, ang kantang "Old Boy" na ibinigay ng bandang Brother Chopsticks.

Sa Ika-2, ang awiting "Magandang Gabi" na hatid ng new generation idol singer na si James Lin.

At ang winner is…"Only U", theme song ng World Autism Day na inawit ni Jue Chow.

Ang Atlantis, isang highly civilized country noong unang panahon, isang empire na nawala sa isang gabi. Nitong ilanlibong taong nakalipas, patuloy na nagsisikap ang maraming siyentipiko para mapatunayan ang alamat. Pero, sa bagong kantang Atlantis na ibinigay ng bandang F.I.R., ito ay isang symbol ng matapat na pagsisikap para matupad ang mga pangarap. Sabi ng F.I.R., napakalaki ng presyur sa pamumuhay ngayon at nagwawalang-bahala ang napakararaming tao sa lahat ng mga nangyayari sa kapaligiran. Umaasa ang F.I.R. na sa pamamagitan ng kantang ito, maipapamulat sa lahat ang kahalagahan ng pagsasaayos ng buhay. "Atlantis," isang kantang may inspirasyon mula sa Irish folk song, tiyak na maghahatid sa inyo ng walang katulad na pakikiramdam.

Sa susunod, patutugtugin ko ang isang espesyal na kanta, isang kanta na baka ma-fall in love kayo. Ang singer nito ay si Jeffrey G na dating mataas na opsiyal ng BACARDI, isa sa Fortune 500 sa buong daigdig. Dahil sa kanyang pagmamahal sa music, lumahok si Jeffrey sa isang singing contest, at natamo niya ang tagumpay sa bandang huli. Okay, pakinggan natin ang kantang "Sunog" na binigyang-buhay ni Jeffrey para maramdaman natin ang kanyang passion sa music.

Binuksan natin ang isang bagong bahagi sa Pop China na tinatawag na "Gramophone." Sa bahaging ito, babalik-tanawin natin ang mga classic hits na inawit ng mga forever super stars. Nitong dalawang episode, napakinggan natin ang malamig na boses nina Teresa Teng at Fong Feifei, at sa gabing ito, aakyat sa ating stage ang isang lalaking singer na bihirang makita ng publiko. Noong 27 taong gulang pa lamang siya, pinili niyang umalis sa sirkulo ng musika habang nasa tugatog ng kanyang karera at lumipat sa Estados Unidos mula sa Taiwan. Iniwan niya ang kanyang pamilya at magandang melody. Siya, indeed, ang unang tao o ninuno ng Chinese Pop Music noong 1970s. Siya ay si Steven Liu at ang maririnig ninyo ay ang kanyang classic hit na pinamagatang "Nahuli." Sorry, nahuli kana, may nagmamay-ari na ng aking puso

Sabi minsan ni Steve na tumatanda ang lahat ng tao, pero, sana ay matandaan pa rin siya ng mga music fans noong bata pa siya, at guwapo. Ako rin, sana ay lagi ninyong matandaan ang bata at magandang forever happy DJ na si Sissi Hehe… Kasabay ng kantang "Nahuli" na ibinigay ni Steve Liu, tinatapos natin ang ating programa sa gabing ito. Inaanyayahan namin kayong bumoto para sa pinakapopular na kanta o singer sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming message board sa aming website na https://filipino.cri.cn o mag-text sa 09212572397. Kita-kits uli tayo sa susunod na linggo.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>