Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina

(GMT+08:00) 2020-08-28 16:43:23       CRI

Bilang pinto ng reporma at pagbubukas ng bansa sa labas ng Tsina, nasa unang puwesto ang lunsod ng Shenzhen, lalawigang Guangdong, sa pag-aakit ng mga talento mula sa loob at labas ng bansa.

Si Ferdinand "Dandy" Menor ay isa sa mga dayuhang naakit na magtrabaho sa Shenzhen. Labinsiyam na taon na sa Shenzhen si Ginoong Menor. Nagsimula bilang Electronics Research & Development Engineer, kalaunan ay naging Manager, at ngayon, siya ay Quality Manager sa Binatone Electronics International Limited.

Si Ferdinand "Dandy" Menor

Ang Shenzhen ay ang unang naitatag na special economic zone ng Tsina. Ngayong taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Espesyal na Sonang Ekonomiko ng Shenzhen.

Sa panayam ng Filipino Service ng China Media Group, ibinahagi ni Menor ang paniniwala niyang kailangan ang pagbabago kung gustong umunlad. "Nagtagumpay ang Shenzhen dahil binago nito ang kaisipan ng mga tao sa pamamagitan ng pagbabago sa set-up ng kapaligiran at impraktruktura."

Sabi ni Menor, hinahangaan niya ang pamamahala ng Shenzhen, at ang mga mithiin at pananaw nito sa hinaharap.

Sa loob ng apat na dekada, ang dating nayon ng pangingisda ay dumanas ng napakalaking pagbabago. Sa kasalukuyan, ang Shenzhen ay modernong pandaigdigang lunsod na may malaking impluwensiya sa ekonomiya ng mundo, at tuluy-tuloy ang pag-unlad nito.

Shenzhen, haligi ng inobasyong teknolohikal

Magandang ibahagi na sa Shenzhen nagsimula ang kilalang mga kumpanyang Tsino tulad ng Huawei, DJI, at Tencent.

Patuloy na nagsisilbing haligi ng inobasyong teknolohikal ang Shenzhen dahil sa "episyensiya o bilis ng Shenzhen," at kumpletong production chain nito.

Saad ni Menor, "It's a one-stop shop! Nandito na kasi lahat ang ng kailangan. Iyong gagawin sa abroad na 2 to 3 weeks, magagawa mo iyan ng 2 to 4 days sa Shenzhen."

Sa YouTube vlog, ito ang laging gawi ni Dandy Menor kapag sinabing "This is Shenzhen!"

Sa kasalukuyang Shenzhen, isa sa kada apat na tao ang nagsimula ng sariling negosyo. Hanggang noong katapusan ng Hunyo 2020, umabot sa halos 3.14 milyon ang bilang ng mga commercial start-ups sa buong lunsod, at mahigit 40 libo ang karagdagang bilang ng mga bagong kompanya kada buwan. Ang bilang at densidad ng pagsisimula ng negosyo sa tinaguriang Silicon Valley ng Tsina ay nangunguna sa lahat ng malaki't katam-tamang lunsod ng bansa.

Bunsod nito, malaki ang oportunidad ng pagkakaroon ng trabaho sa Shenzhen. Kaya naman ang Shenzhen ay kinikilala rin bilang lunsod ng mga mandarayuhan. Sa 20 milyong populasyon sa Shenzhen, 15 milyon ay mga migrante.

Kaugnay ng prospek ng Shenzhen sa hinaharap bilang technology hub ng Tsina at maging ng rehiyon, palagay ni Menor, "Iyong Shenzhen patuloy na magiging tech hub in the next coming years and center of AI and IoT (Artificial Intelligence and Internet of Things).

Shenzhen alok ay mataas na kalidad ng pamumuhay

Noong Hulyo 2020, ang Shenzhen ay napabilang sa "Top 10 Chinese Cities with a Wonderful Living Environment" ayon sa 2019-2020 Chinese Economic Life Survey na isinapubliko ng CCTV.

Hinggil sa kalidad ng pamumuhay, saad ni Menor, "Ibinibigay ng Shenzhen ang kumportable, kumpleto at ligtas na pamumuhay na maaaring hanapin ng isang tao. Mataas ang tingin at may paggalang sa mga dayuhan. " Palagay ni Menor, ang Shenzhen ay higit na mas kumbinyente o maginhawa kumpara sa mga lugar na kaniyang napuntahan sa Amerika, Brazil, Timog-silangang Asya at Europa.

Mahilig mag-bisikleta at mamasyal si Dandy Menor sa libre niyang oras. Kaniyang inienjoy ang maganda at malinis na kapaligiran ng Shenzhen.

"Maganda ang pabahay, madali ang pamimili ng pang-araw-araw na pangangailangan, madali rin ang internet shopping, may shared bike, maganda ang mga parke at pasyalan," ani pa ni Menor.

Sa libre niyang oras gumagawa ng vlog sa YouTube channel na D'Stuffs si Dandy Menor tungkol sa kaniyang buhay-buhay sa Shenzhen at pagpunta sa mga lokal sa pestibal at tech events kagaya ng Shenzhen Maker Faire.

Bilang isang matagumpay na espesyal na sonang ekonomiko, nakamit ng Shenzhen kapwa ang kaunlaran at naibigay rin ang masayang pamumuhay ng mga tao. Patotoo sa pahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang paghahanap ng kaligayahan ng mga mamamayang Tsino at pag-ahon ng nasyong Tsino ay diwa ng pagsasagawa ng Tsina ng patakarang "reporma at pagbubukas sa labas."

Artikulo ni Mac Ramos

Larawan: Dandy Menor

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>