Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana

(GMT+08:00) 2020-11-11 16:19:02       CRI








Ngayong taon ay ika-30 anibersaryo ng pagbubukas sa labas ng Pudong, distrito sa dakong silangan ng Ilog Huangpu ng Shanghai, metropolis sa dakong silangan ng Tsina.

Sa panayam sa China Media Group-Filipino Service, sinabi ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na ang pag-unlad at pagbabago ng Pudong mula sa dating bukid ay isang magandang bunga at halimbawa ng pagbubukas ng Tsina sa puhunan at kalakalang dayuhan.

Ang Pudong ay nangunguna sa pagbubukas sa labas, at sumasalamin sa modernisasyon ng Tsina.

Sa kasalukuyan, nagsisilbi ito bilang pangunahing sentrong pinansyal at sentro ng inobasyong panteknolohiya ng Shanghai.

Samantala, kilala rin ang Shanghai bilang financial hub ng Tsina at pandaigdig na sentrong pinansyal, at sentro ng high-teck at inobasyon.

Kaugnay nito, naniniwala si Sta. Romana na ang nangyari sa Pudong ay isang mahalagang halimbawa na maaaring gayahin sa iba't ibang bahagi ng mundo na kinabibilangan ng Pilipinas.

Aniya, "kayang gawin pala ito!"

Kaya naman, sa Pilipinas may mga ideya aniyang isinusulong na naglalayong pag-aralan ang paglago ng Pudong.

"Yung ginagawang New Clark City at iba pang mga smart city sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas, masasabi nating batay iyan sa karanasan ng nangyari sa Pudong," dagdag pa ni Sta. Romana.

Ang pag-unlad ng Pudong ay nagpapasulong din ng pambansang kaunlaran ng Tsina.

Pagkaraan ng tatlong dekada, ang Pudong na sumasaklaw lamang ng 1/8000 ng kabuuang lupa ng Tsina ay naging powerhouse na nag-aambag ng 1/80 ng kabuuang GDP at 1/15 ng kabuuang pag-aangkat at pagluluwas ng bansa.

Hinggil dito, ipinalalagay ni Sta. Romana na alinsunod sa mga leksyon ng Pudong bilang template at halimbawa ng best practice, maaaring paunlarin ng Pilipinas ang dating mga kabukiran bilang special development areas.

Higit pa rito, ang naturang mga espesyal na lugar ay maaaring magsilbing modelo para umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas.

Panayam/Video: Lito
Ulat: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>