Gusto Ko ang Sining na Tsino - Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Ang sining ay may malalim at mayamang kahulugan. Ang Sining-Tsino ay nagpapakita ng mga tradisyonal na kapistahan, pagkain, kaligrapiya, pagpipinta, musika, arkitektura ng Tsina, at marami pang iba.
Sa palagay ninyo, anu-ano pa ang ipinapakita ng Sining-Tsino? Halimbawa: magagandang pasyalan, Chinese Opera, Kungfu, masasarap na pagkain, etc.
Mga kaibigan, kung mahilig po kayo sa Kulturang Tsino, at kung gusto ninyong malaman ang marami pang bagay hinggil sa Tsina at Kultura ng Bayang Tsino, pakinggan lamang po ang aming programang "Gusto Ko ang Sining na Tsino."
Maliban po rito, idaraos din namin ang isang kompetisyon ng talento at kakayahan hinggil sa Sining-Tsino, para sa mga tagasubaybay sa buong daigdig.
May iba't-ibang porma ang kompetisyon: mayroong Q & A, kompetisyon sa pagsulat ng artikulo, pagpipinta, at kaligrapiya o palabas na pansining. Inaanyayahan po namin kayong makilahok! Walang limitasyon sa bilang ng maaring ilahok na entri!
Mga detalye ng patimpalak:
1. Pagsagot ng mga tanong – Sa katapusan ng bawat programa, pakisagot lamang ang tatlong (3) tanong na aming ilalagay;
2. Pagsulat ng artikulo – Sumulat ng isang artikulo o tula upang ipakita ang inyong damdamin hinggil sa Kulturang Tsino;
3. Pagpipinta – Sa inyong sariling pananaw, ipaliwanag ang Sining-Tsino sa pamamagitan ng pagpinta;
4. Palabas na pansining – Ipakita ang inyong talento at kakayahan hinggil sa Kulturang Tsino, sa pamamagitan ng pag-awit ng Peking Opera, pag-awit ng awiting Tsino, pagpapakita ng kakayahan sa Kungfu, pagtugtog ng instrumentong Tsino, pagluluto ng pagkaing Tsino, at iba pang mga gawaing may kaugnayan sa Kultura ng Tsina.
Artikulo, Paintings, Kaligrapiya, at iba pang obrang yaring kamay:
Walang limitasyon sa porma ng mga artikulo, pero, kailangang ilakip ang titulo ng obra, pangalan, adres, at numero ng telepono ng may-katha.
Kung kayo naman ay maglalahok ng painting, kaligrapiya o anumang obrang yari sa pamamagitan ng kamay, kailangan ding ilagay ang titulo, salaysay sa tema, pangalan, nasyonalidad, adres, at numero ng telepono ng may-akda.
Audio at Video Files:
Ang mga audio files ay kailangang nasa porma ng MP3, samantalang wala namang limitasyon sa porma ng video files. Sampung minuto lamang ang nakalaang oras sa bawat audio o video entri, at kailangang hindi ito lalampas sa 200 megabytes.
Huwag kalimutang ilakip ang paliwanag at titulo ng entri; pangalan, nasyonalidad, adres, at numero ng telepono ng may-akda.
Pagpili ng mananalo:
Ang mga entri ay susuriin ng mga dalubhasa ng CRI, at pipiliin sa mga ito ang mananalo ng una, ikalawa, at ikatlong puwesto. Mayroon ding mga mapapald na iimbitahan upang libreng maglakbay sa Tsina.
Kaya, sali na, lumahok, at maglakbay sa Tsina!