Nakarinig na ba kayo ng awit na walang tunay na lyrics? Inirerekomenda namin sa inyo ang isang ganitong awiting Tsino. Tan Te o Perturbed ang pamagat nito at ang kumanta ay isang babaeng folk singer na Tsino na si Gong Linna. Dahil sa kanyang magandang boses, malawak na vocal range at dramatikong facial expressions, tinatawag na "Divine Song" ang awit na ito. Pero, nakakatawag din ito ng pagtatalo dahil wala itong tunay na lyrics.
Panoorin ang video clip ng awiting ito sa itaas. Anu-ano ang masasabi ninyo hinggil sa awit at performance ng kumanta? Maganda ba o pangit? Pag-uusapan ng aming mga hosts ang awit na ito sa programang "Pag-usapan natin" sa susunod na Biyernes at welcome kayong lumahok sa diskusyon. Kaya, feel free na magpahayag ng inyong opinyon at ipasok lamang ang inyong comment sa message board sa ilalim.