|
||||||||
|
||
Ang Tianjin ay isa sa apat na municipalidad ng Tsina. Ang syudad na ito ay mayroong nakakahangang kasaysayan. Sinakop ng siyam na mga bansang Italya, Alemanya, Pransiya, Rusya, Britanya, Austria, Hapon at Belgium at pinaghati-hatian ang syudad ng Tianjin. Nag-iwan ng ilang libong gusali ang mga bansang ito na naging tourist attraction na sa kasalukuyan.
Maaari kayong makarating dito sa pamamagitan ng barko, eroplano at tren. Kung magmumula ka sa Beijing, may high-speed train na tumatakbo patungong Tianjin na nagtatagal lamang ng 40 minuto.
Sa pag-ikot sa syudad, mas makakabuti na kayo'y sumakay ng taxi o tricycle, dahil hindi mahirap makasakay ng taxi sa syudad at kumbinyente.
Huwag ding kakalimutang kumain ng "Gou bu li" baozi, ang pinakakilalang pagkain sa Tianjin.
Isa o dalawang araw lamang na pag-ikot sa Tianjin ay ayos na, dahil kahit na madami ang maaaring puntahan dito, hindi naman nagkakalayo ang bawat isa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |